december 18
2:21 pm
Kagabi, may nag komento sakin na para daw akong walang muwang sa mundo. Mukha nga ba talaga akong walang muwang sa buhay o isa na naman yung constructive critisism na dapat kong ipagwalang bahala? Hindi naman kasi nakakatawa yun kung iisipin eh. Ibig sabihin lang nun, ang tingin nila sa'kin eh immature at walang ka-alam alam sa buhay. Alam ko naman na kahit papaano sheltered nga akong lumaki at walang masyadong alam sa buhay. Pero yung naramdaman ko nung narinig ko yun parang sinasabi nya sakin na wala akong kwentang tao. Sumama yung loob ko nang ilang minuto at napaisip kung tama rin bang yun ang isipin ko.
Tama sya sa ilang bagay: Wala nga akong masyadong alam sa buhay at madalas mukha akong walang pakialam sa mundo kaya siguro nya nasabi yun. Pero mali rin sya na isipin na hindi ko pinagiisipan ang mga bagay-bagay sa paligid ko dahil iniisip ko yun. Siguro nga apathetic akong tignan at marahil tama ka rin na naisip mo yun pero may dahilan rin kung bakit ginagawa ko yun. Bata pa lang ako, napapansin ko na yung mga strains sa human relationships at hindi rin patas ang buhay. May mga pinagdaanan akong hindi normal na dapat pagdaanan ng isang bata. Life changing yun at alam kong binago ng karanasan kong yun ang tingin ko sa mga tao at sa mundo. Masakit lang para sa'kin na mahusgahan ka ng taong ni hindi ka talaga kilala para sabihin yun. Kakilala ng pamilya namin yung nagsabi nun. Prangka syang tao at wala sa kanya ang makasakit ng tao dahil sa mga sinasabi nya dahil alam ko namang opinyon nya yun at iniisip nyang tama sya. Para sa'kin kasi, kung iisipin ko lahat ng mga problema ng mundo (hindi pa ba sapat yung mga naisusulat ko sa blog?!) aba eh mababaliw talaga ako dun!
Pero mali parin sya tungkol sakin. Siguro nga apathetic ako pero hindi nya ako kilala para maikulong nya ang pagkatao ko dahil lang sa mga nasabi nya. O dahil nakikita nyang isip bata pa siguro ako dahil nakikita nyang nakikipag harutan ako sa kapatid ko at madalas di nakikihalubilo sa mga bisita sa bahay. Marami na kasi syang naging komento tungkol sakin na di ko nagustuhan over the years at di ako nagtataka na maulit yun. Haay naku.. May mga tao talaga na ganun. Kahit naman ako ganun rin lalo na kung may sitwasyon na magbibigay sakin ng dahilan para sabihin yun pero hindi ko harap harapang sasabihin yun para mapahiya ang isang tao. Ganun kasi yung ginawa nya eh. May mga estranghero kaming kasama nung sinabi nya yun. Nahihiya lang talaga ako pag ganun. Ang nakakainis lang dun, wala akong nagawa nung sinabi nya yun. Respeto ko na lang na mas matanda sya sakin at nandun ako sa teritoryo nya although di ko naman binabase sa ganung dahilan ang pag bibigay ng respeto. Ang alam ko, lahat dapat ng tao nirerespeto sa iba't ibang paraan kahit ano pa sya.
