Friday, December 21, 2007
posted by Kurei-ru at 5:20 AM
december 11, 2007
tuesday 5:00 pm

Wala akong masyadong maisip maisulat.. Mental block? Writer's block kaya? Or just plain laziness? May nabasa akong interview kay Neil Gaiman sa dyaryo na nagpaisip sa'kin..

Sabi ni Neil Gaiman, "There is no such thing as writer's block. Writer's have blocks and no one else has blocks. Gardeners don't have gardener's blocks but writers will write a 20,000 word letter on how awful their writer's block is and blog about it with the headlines 'Writer's Block: Day 4' It's a fancy way of saying 'I am stuck.'"

Indeed, "I am stuck." I think i just make up of reasons to justify my actions of not writing which is pretty much lame and funny 'coz i know within that i am never 'blank' of ideas. I read somewhere that it is really hard zoning our mind that is totally out of ideas because we are always thinking and affected of a lot of things. Or maybe our brains does not think the way we want it to at an exact moment or something... yeah, that's true.

Hirap ako magsulat ng babagay sa mood ko o depende sa kung ano ung gusto kong isulat. May instance pa nga na sobrang ayoko magsulat kasi na re-restrain ako ng nararamdaman ko at a particular time. Mahirap nga ung ganun eh. Tipong hindi mo dapat i-personal ang pagsusulat pero opinion mo ang isinusulat mo kaya di mo maiwasan ang maging sentimental paminsan. O ako lang talaga un. May mga tao naman kasing kayang i-detach ang sarili nila sa mga articles na sinusulat nila na wala talagang koneksyon sa buhay nila. Sabagay... BLOG KO KASI 'TO KAYA OPINYON KO 'TO no matter how stupid or idiotic this is to some. ahh.. ok, naguluhan ako ng konti dun... Anyway, ayun nga, hirap ako magsulat dahil:

a) Tinatamad ako (depende sa mood o panahon yan eh)
b) Emotionally attached ako sa isang sitwasyon kaya di ko maisulat ang nararamdaman ko.
c) Wala akong makitang magandang papel na masusulatan at ballpen na maganda ang tinta (maarte talaga ako).
d) Gusto ko magsulat pero wala akong magandang topic na maisip (madalas mangyari 'to kasi pag routine na ang mga nangyayari sa buhay mo tulad ng sa akin eh wala ka ngang masyadong maisusulat pertaining to real life).
e) Wala, feeling ko naman invalid reasons ung mga yan eh. Kung mahilig ka talaga magsulat, makakasulat ka ng mga kung ano-anong idea kahit na boring yun para sa iba.. tulad nito.

Wag ka na lang muna magpapaniwala sa sinusulat ko. Kahit ako, di ko rin makitaan ng logic ang di ko pagsusulat sa panahong dapat nagsusulat ako.

----

Nagsimula akong magsulat nung 13 years old ako. May journal writing kasi kami noong 1st year kaya dun ako nag start magsulat. Mali-mali pa nga ung ingles ko dun sa kakapilit na magkaron ng maisusulat dahil assignment namin yon. Ewan ko lang kung binabasa ba talaga ni Mrs. Dela Torre un. Hindi talaga ako mahilig magsulat. Ang teorya ko nga dun eh na impluwensyahan lang ako ng mga kaibigan ko na nagsusulat rin ng personal journal nila. Dun nagsimula. Sa ngayon, nasa pang 55 na diaries na yung nagagamit ko. Wala pa kasi akong makitang notebook na pwedeng sulatan kaya di pa ako nakakapag sulat. Marami rin akong scratch paper na naipon dahil sa kawalan ng notebook na masusulatan.

Siguro nga hindi yung diary ko ang tipong magiging interesante para sa mga tao pero para sakin mahalaga yun. Kumbaga para masabi kong nag 'exist' ako, eto yung paraan para masabi ko ngang 'ETO AKO.' Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko pero may times talaga na pakiramdam ko hindi ako nag e-exist at ito lang ung paraan para malaman ng iba na andito ako. Madalas kasi nakakaramdam ako ng 'dissolving into nothingness' kapag napapaisip ako tungkol sa buhay.

(okay, seryoso na talaga 'to. )

Er.. Okay. Tama na muna yun. Palagay ko naman naiintindihan ng mga taong nagbabasa nito na may pagka seryoso ako sa buhay at sobrang boring. Wala kasi akong maisip na ibang paraan para maging magaan ang pagkukwento ko tungkol sa mga bagay-bagay di tulad ng paborito kong writer na si Bob Ong. Sa ngayon, binabasa ko ulit ung ABNKKBSNPLAKo?! kasi naiinspire ako sa tuwing nagbabasa ako ng mga sinulat nya. Pakiramdam ko may pag-asa ako na ipamalas kung ano man yung kakayahan ko dahil sa kanya. Wala pa akong 'Oprah moment' na maituturing kaya hanggang dun na lang muna ang kwento ko.