Friday, December 28, 2007
posted by Kurei-ru at 9:29 PM
masakit pala pag kakilala mo yung gumawa ng mga bagay na naririnig at napapanood mo lang sa tv. Masakit pag naging bahagi na nang buhay mo yung taong nagpasya na ayaw na nyang mabuhay dahil sa mga personal na dahilan. Mapapaisip ka kung may sense ba talaga ang buhay para wakasan na lang ng ganoon. Masakit na mawalan ng kaibigan lalo na kung alam mong nandyan lang sya pero hindi na talaga kayo magkikita at magkakausap.. sa kabilang buhay siguro.. ganun lang talaga yun siguro. mapapaisip ka rin kung bakit may mga taong nakikipaglaban para mabuhay pero para sa iba, basura lang at madaling itapon. Para saan ba talaga ang buhay natin..? Madalas kahit alam ko na ang sagot sa mga tanong ko, may panahon paring di ko maintindihan ang misteryo ng buhay.

Nagkamali ako minsan. Inisip ko rin na masyadong pasakit ang mabuhay dahil sa rami ng problemang dumarating pero kung iisipin, lalabagin ko lahat ng mga mahahalagang bagay na natutunan ko sa mundo kung ginawa ko yun. Sobrang bad trip na kasi ako sa buhay pero kung tutuusin wala pa yun sa totoong realidad ng buhay. Napakahina kong indibwal kung sakaling itinuloy ko ang masama kong balak. Alam ko ring malulungkot kahit papaano ang mga taong nakilala ko kaibigan, kapamilya man o mga nakilala lang. Ano nga ba ang kahihinatnat ng buhay kung tatapusin mo na lang bigla..? Alam kong may mga taong dumaranas ng maraming pagsubok sa buhay at walang wala ang mga problema ko sa mga yon kaya lang napapaisip ako kung totoo nga ba ang mga sinasabi ng ilan na hindi ka bibigyan ng diyos ng mga suliraning di mo kayang dalhin. Hindi naman siguro iniisip ng Diyos na pahirapan na lang tayo dito sa mundo. Choice parin naman siguro natin kung lalaban ba tayo o babawi sa problema.. teka, ano bang sinasabi ko.. seryoso na naman..

2.46 na. hindi parin ako makatulog. sumasakit na ang ulo ko kaya lang wala akong magawa kaya sinasamantala ko na lang yung chance na magsulat.

hindi ko parin maalis sa isip ko yung nangyari kay star. hndi parin ako makapaniwala kung totoo man yun o hindi. napaka samang biro. (kaya sana mag reply na si mitch kung totoo yun..) naiinis ako sa mga taong di naiintindihan kung bakit may mga taong nagigipit sa buhay at ang tanging naiisip na lang nila ay ang mag suicide. nakakapang init lang ng ulo na bakit hindi nila maintindihan na may mga taong hindi makayanan ang lungkot na nararamdaman kya yun ang ginawang dahilan. naiinis ako sa sarili ko dahil kahit naiintindihan ko, gulong-gulo parin ang isip ko kung ano nga ba ang katotohanan sa lahat ng to. may sense pa ba talaga ang buhay? may katwiran nga ba ang magpatiwakal na lang dahil sa mga problema..?

Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay.. marami pa akong hindi nasasabi sa kanila.. (Sa takdang panahon, marahil mababasa mo yung sulat na di ko maibigay sayo..)